Nagparoo't parito ako sa
Pag-check-in ko sa Cebu Pacific noong papunta, napaisip ako sa standard na tanong ng ground stewardess: May bagahe kayo ma'am?
Na-inspire tuloy akong sumagot sa recent post ng isang kaibigan tungkol sa pag-byahe nang magaan.
Naisip ko lang, wala akong bagahe, hindi lang ako nakakalimot. Di katulad ng kaibigan ko na short-term ang memory, ako sa maniwala kayo sa hinde, naaalala ko pa ang first birthday ko. Pinakbet ang handa.
Flex Revlon ang shampoo ko nung una akong magkagusto sa babae. Binigyan nya ako ng lyrics ng A Woman in Love sa H.E. class namin, sinulat-kamay nya sa yellow pad, tapos lahat ng 'man' sa lyrics pinalitan nya ng 'woman'. Naghiwalay kami nung 4th year kasi, oh well, pinalitan nya ako ng 'man'. Nagpalit ako ng shampoo.
Summer noong magka-boyfriend ako. Tuwing hapon naglalaro kami nung word game na Boggle, na prinonounce nya ng bogli. Hindi na ako nakipag-talo kasi lagi ko din naman syang talo sa game. Dumating ang pasukan na-realize ko na marami pala kaming di mapag-uusapan kasi bukod sa magka-iba kami ng pronunciation, magka-iba rin kami ng bokabularyo.
Taumbayan ang una kong naging papel sa teatro noong college sa Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino. Ako
Inis na inis tuloy ang bespren kong bading sa akin. Kasi bilang taumbayan ang sinuot kong costume ay mahabang saya na ang tela ay kapareho ng tela ng uniform ng mga babae nila sa
Speaking of saya, naka-bestida ako nung malaman ko ang pakiramdam ng kinakabugan kapag kinakaliwa. Naghintay talaga ako dun sa kanto para mahuli ko sila. Ayun, magkasama nga silang bumaba ng jeep. Hindi sila bagay, hindi rin bagay sa akin ang bestida. Umabot pa naman ng 8 taon ang relasyon na yun, 4 na beses din ako kinaliwa. Noong huli, sya naman ang kinabugan.
Telepono ang unang appliance ko noong nakipag-bahay-bayahan ako. Nakasalampak pa nga ito sa sahig kasi walang ibang gamit na mapagpapatungan sa kwarto. Pagkalipas ng 13 taon, noong sumikip na rin ang apartment, nagkahiwalay kami kasi nawalan na kami ng totoong komunikasyon.
Nagpapalipad ako ng saranggola sa
Sa huli, naisip ko, maliban sa sinumpa ako ng matinding memorya, masaya ako sa araw-araw. Wala akong pagsisisi, wala akong ibang dala-dala. Sa katunayan, tuwing lumilipat ako ng tirahan, katulad ng kaibigan ko, nagkakasya rin ako sa isang maleta.
4 comments:
sumpa ang mahabang memorya..bagahe sya kadalasan. at thankful ako na maikli ang aking memorya.
kaya lang, kapag maiksi ang memorya, kahit ang mga happy moments nakakalimutan mo na rin.
mabuti na lang, nauso ang blog. imagine kung conventional diary ang talaan ng lahat ng alaala, kailangan pa rin ng isang library to store all the hard copies. di ba ang hirap non? kapag naglipat ka ng bahay, di na kasya sa isang maleta ang gamit mo.
lalo na siguro sa iyo, dahil naalala mo pa ang first birthday mo at ang pakbet na handa mo.
haynaku...minsan din wish ko nga demi moore (dementia) na lang ako...kasi kadalasan pinag-tatanungan din ako ng mga taong maraming pinagtatalunang detalye! letse!
bata pa lang, nag-sustagen prime ka na? chos!
di ba ang ganda ng mahabang memorya eh natatandaan mo ang gusto mong kalimutan? or it doesn't work like that for you? kasi ako, i block all the bad things and bookmark the good ones. kaya in the end, i'm good friends with all my ex's! haha. tapos di ko matandaan kung anong handa namin nung 1st birthday ko kahit natatandaan ko kung anong suot ko. duda ko wala kaming handa pero may bago akong damit.
Post a Comment