Si Archimedes, isang scientist noong 300 B.C., nakadiskubre sa buoyancy sa pagkuha ng density ay mas makikilala sa kanyang pagtatakbo (balita ko hubo’t hubad pa at nagkakandirit pa siguro) habang sumisigaw ng “Eureka! Eureka!” Well, at least, ganyan sya kinuwento ng teacher ko nung first year high school ako.
Ako, baliktad. Tumatakbo muna bago ako makadiskubre ng mga bagay-bagay, na hindi naman of Eureka magnitude, ay sagot pa rin sa mga nakabara.
“Running can solve problems,” sabi ng mga runners. Totoo pala yun. Ilan lang sa mga eureka ko habang tumatakbo noong sabado sa academic oval.
1. Kaya pala malakas ang loob ni Arroyo na mag-Super-Regions ay awash with Chinese ODA ang gubyerno. Ang cheap kasi pala talaga ng pautang ng mga Intsik, wala pang social standards.
2. Kaya pala kahit walang tubig na lumalabas sa gripo ay sumasabak pa rin ang Maynilad sa negosyong ito kasi sa pagbubungkal pa lang ng mga kalsada kumikita na sya. “We do not only lay pipes, we build lives." Totoo pala yun. Hindi ba? Wala naman syang binanggit about providing water.
3. Hanggat may Balikatan ang US, hindi mapapatalsik si Arroyo sa EDSA. Bumabaha pa ng pera sa AFP.
4. Parang bampira rin ang CBCP - hayaan mo lang silang i-expose ang sarili nila sa liwanag, malulusaw din.
5. Si Bunye, mapatalsik si Arroyo o hindi, may career. Gusto ko syang kuning finance officer ng opisina namin, para kapag walang funds at hindi susweldo (na madalas mangyari), kaya nya itong ipaliwanag na para bang may salary increase na may bonus pa.
Sumunod na araw, linggo, may takbo na sponsored ng Bayan, "Exercise your Rights" - di ako nakasama, bukod sa nagkatrangkaso ako, e... iba na 'yun!
2 comments:
sana makatakbo ako dito.
ayoko lang mabagok.
baka mauna pa ako sa hitad sa malakanyang.
jackie lou blanco is that chu? fitness buff to the max!
i miss running around the oval and reward myself with fish balls after.
Post a Comment